Inyourears

Wednesday, April 7, 2010

"Pulitika"


"Pulitika"
by Inyourmind
I
Itoy kwento ng Pulitika sa aking bayang silanganan
Nakakalungkot nauwi ito sa isang larangan
Na ipinapataw laban sa mas nakakaraming mahihina at maralita
Ang mga interes ng iilang makapangyarihan at mayayaman.
Nakakaapekto ito sa pagpapatupad ng katarungan
Asan ang batas,pantay-pantay na pagpapatupad
Na baligtad sa pulitikal impluwensya at koneksyon
Binabayaran ang mga utang sa pamamagitan
Ng lagay ng mga taong kanilang pinagkakautangan sa matataas na posisyon
Sa gobyerno ng mismong nahalal na mga tangang opisyal,
Dapat bang talagang ganyan
Ang pamamahala at paglilingkod
Humanda na kau at isa isahin ko kayung mga espisyal
Isang bulag na katapatan ang naitala bilang isang pinakamahalagang batayan
Ang politika ay isa ring kapangyarihan ,
kapangyarihang kumontrol ng tao,
kapangyarihang magpatupad ng batas ng mga gago
kapangyarihang mapasama ang bayan ko
at kapangyarihang umimpluwensya.
Sa mata ng kabataan napaka gulo at napakarumi ng politika.
Kailan ka nga naman ba nakarinig ng magandang balita

Chorus

Sa lipunan ngaun parang may sarili ng mundo
Mga kabataan Malaki na ang pagbabago
Sa huli mapapaisip ka ano na bang nangyari sa ating bayan?
Bakit nagkaganito ang ating kabataan?
Sino at saan nagkulang ang mga taong responsable
Ito’y mga katanungan sa ating mga sarili,
ngunit wala tayong magagawa dahil sa ang nasa kapangyarihan
at ang tangi lang nating magagawa ay palitan sila sa darating na halalan.

II
Tigib ang ating pamahalaan ng mga taong may kapit at may kapangyarihan,
mga taong walang ginawa kundi kumuha
ng kanilang mga sahod sa kalagitnaan at katapusan ng buwan.
Kaya nga maagang nawawalan ng gana at nanahimik na lang
Ang mga matapat sa mga karapat-dapat na magtalaga
ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, o kaya, umaalis na lang nang tuluyan.
At lagi namang tinatakot , o kaya, kinain na lamang ng mismong sistema
Ang mga nagpasyang manatili kahit sa gitna ng pagkalito.
Ang magpahayag ng katotohanan
Sa paraang makabago na hindi kontrolado
Ng kapangyarihan ng salapi
Ang bawat katagang ibinibitaw ng isang mandirigmang makata,
Bawat simpleng pikot sa republikang ito ay nababahiran ng politika
Alinsabay ng mga aspetong pampulitika at ekonomiya..
Sa esensya ay sa kubuuan ng sistema ng gobyernong daan taon ng nabubulok.
Na prang ipot sa bawat ulo ng filipino
Kilan tayu mamumulat Sa larangan ng pulitika
Kung susuriin ang ating kongreso
Dumadami na ang mga TRAPO